top of page

Mahigit 11,000 mag-aaral ng INHS, tumanggap ng COVID-19 Health Kits

September 14, 2022

​

Dennis Jay G. Gumboc

   Namahagi ng mga COVID-19 Health Kits na naglalaman ng face mask at spray bottle alcohol sa 11,887 na mag-aaral ang pamunuan ng Imus NHS para sa higit na kaligtasan ng mga mag-aaral.

   Sa pangunguna ni Gng. Lerma V. Peña sa pakikipagtulungan ng mga gurong tagapayo at Property Custodian, G. Jonard S. Saria, nakapagpamahagi simula kahapon sa mga mag-aaral ng mga nasabing kits.

   Mula sa Department of Education at Schools Division Office of Imus City sa panguguna ni SDS Rosemarie D. Torres, CESO V at ASDS Ivan Brian L. Inductivo ang mga nasabing kits.

   Ayon sa mga magulang at mag-aaral, malaking tulong ang COVID-19 Health Kits upang mapanatiling COVID-19 FREE ang paaralan.

bottom of page