top of page

Buwan ng Wikang Pambansa

Agosto 31, 2022

​

Dennis Jay G. Gumboc

    Nagsuot ng mga Barong Tagalog at Baro't Saya ang mga mag-aaral at mga guro ng INHS bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha." sa pangunguna nina Gng. Lerma Vallejo Peña , Punongguro IV at Bb. Cynthia T. Abeledo, Ulongguro VI ng kagawaran. 

    Anila, sa pamamagitan ng ganitong gawain naipakikita ang pagpapahalaga sa kultura at pagkilanlan ng ating lahi sapagkat magkabuhol ang wika at kultura.

Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika taon-taon sang-ayon sa bisa ng Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagdedeklara ng taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika tuwing Agosto.

    Pinaiigting din ng Kagawaran ng Filipino ang kanilang programa sa pagbasa na naglalayong inaangat pa ang antas ng kasanayan at kakayahan ng mga mga mag-aaral ng pagbasa gamit ang Wikang Filipino.

    Sa kasalukuyan, nagsasagawa sila ng donation drive na kung saan hinihikayat nila ang mga mag-aaral, magulang, alumni at iba pang stakeholders na magdonate ng mga babasahing aklat tulad ng tula, nobela, maikling kwento at iba pa bilang dagdag na kagamitan sa pagbasa.   

Matatagpuan ang kanilang Linangan sa Pagbasa sa ikalawang palapag ng Saquilayan Building na maaaring nang puntahan ng mga mag-aaral sa kanilang mga bakanteng oras upang magbasa.

bottom of page