IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
1st, 4th Runner-Up nasungkit ng INHS sa Mr. and Ms. DepEd Imus City 2022
December 22, 2022
Dennis Jay G. Gumboc
Kinoronahan si Ms. INHS bilang 1st Runner-up habang 4th Runner-up si Mr. INHS sa ginanap na Mr. and Ms. DepEd Imus City 2022 na nilahukan ng 32 kanditato't kandidata ng iba't ibang paaralan mula elementary hanggang senior high school sa Lungsod ng Imus noong ika-20 ng Disyembre.
Naiuwi ng mga pambato ng Imus National High School na si Kimberly Señorin ang titulo na Ms. DepEd Imus City First Runner-Up at Nowen Moise Biong ang Mr. DepEd Imus City Fourth Runner-Up.
Nagpamalas ng kahusayan at kagandahan ang mga kalahok sa pagsusuot ng School Uniform, Sports Wear, at Improvised Long Gown/Formal Attire.
Nagwagi rin si Kimberly ng Special Award sa Best in Improvised Long Gown na gawa lamang sa mga kurtina at safety pins, habang si Michael Gabriel Rafael ng Gov. Juanito Remulla Reyes SHS ang itinanghal na may Best Improvised Formal Attire .
Sa Question and Answer Portion, buong husay na sinagot ni Kimberly ang katanungang, "Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maipasyal si Dr. Rose Torres, saan ito at bakit?". Aniya'y dadalhin niya si Dr. Torres sa Bicol, sa lugar kung saan siya lumaki, upang buong pagmamalaking maipakita ang iba't ibang magagandang bagay na mayroon ang lugar na ito.
"Ang natutunan ko noong pandemya ay pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Kung noon ako ay mahiyain, ngayon ay nagkaroon na ako ng mataas na self-esteem upang makayanan na makasali sa patimpalak na katulad nito.", sagot naman ni Nowen nang tanungin patungkol sa kaniyang pinakamahalagang natutunan sa panahon ng pandemiya.
Tinanghal si Jasmine Mae Remulla ng Gen Licerio Topacio NHS na Ms. DepEd Imus City 2022 at John Michael Lantaco ng Gen. Juan Castañeda SHS na Mr. DepEd Imus City 2022.
Dumalo rin sa patimpalak sina Kgg. Adrian Jay "AJ" Advincula, Kongresman ng Ikatlong Distrito ng Cavite, at Kgg. Alex “AA” Advincula, Mayor ng lungsod ng Imus, SDS Rose Torres, at ASDS Ivan Brian Inductivo, upang magbigay inspirasyon at pangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Imus City Parents Teacher Association Federation (ICPTAF) sa pamumuno ng bagong halal na pangulo ng asosasyon na si G. Rommel S. Galicia.