IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
50 taong pagkakatatag ng INHS,
sumentro sa kabayanihan
Hunyo 7, 2021
Ma. Lita P. Kaiklian
Kinilala ng Imus National High School (INHS) ang ambag ni dating Governor Erineo ‘Ayong’ S. Maliksi sa syudad ng Imus at larang ng edukasyon na naging daan sa pag-ulad ng paaralan.
Sa isang programa kaugnay sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersayo ng INHS, binigyang diin ni G. Arturo P. Rosaroso Jr. ang naging kontribusyon ni Kgg Ayong Maliksi mula nang manilbihan ito sa syudad ng Imus noong 1981.
“Wag na nating ilayo pa ang mga pinuno at ninuno na dapat nating tularan, dito sa lungsod ng Imus, meron tayong Tatay Ayong, na huwarang Imuseno. na dapat nating tularan,” panghihikayat ng punongguro ng INHS.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Neb P. Nazareno, katuwang na kura paroko ng Immaculate Heart of Mary Parish. Naging bahagi ng misa ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa Bantayog ni Kgg. Erineo Ayong S. Maliksi.
Samantala, nagsanib-pwersa naman ang mga local officials ng Imus City at ang DepEd-Imus City sa paghahandog ng tablet sa 60 struggling learners ng INHS.