IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Aesthetic Classroom
September 3, 2022
Dennis Jay G. Gumboc
"Aesthetic Classroom," ganyan kung isalarawan ng mga mag-aaral nina Gng. Marietta P. Maestro ng 10-Ametrine at Gng. Judy F. Co ng 9-Bismuth ang kanilang klasrum sa BEFF 2 Rm. 741 dahil sa angking ganda nito ngayon.
Sa ilalim ng Brigada Eskwela na sa kalaunan ay tinawag nilang Classroom Improvement Project, unti-unti ay nagkaroon ng transpormasyon ang klasrum na hindi nagamit sa loob ng dalawang taon.
Pinintahan nila ng kulay berde at cream ang silid-aralan na tunay nakakarelax kung titignan. Ayon sa mga gurong tagapayo, bunga ito ng pagtutulungan ng mga magulang at mga mag-aaral kaya nagkaroon ng conducive na klasrum ngayong Taong Panuruan 2022-2023.
Naglaan din sila ng espasyo para sa 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒐𝒓𝒏𝒆𝒓 upang malayang makapagbasa ang mga mag-aaral at 𝑨𝒇𝒇𝒊𝒓𝒎𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 na may mga positibong pananalita para sa Mental Health ng mga bata.
Nagdagdag din sila ng mga halaman upang mapahalagahan din ng mga mag-aaral ang kalikasan lalo na at nakadagdag ito sa ganda at aliwalas ng kanilang klasrum.
Gumamit naman sila ng Canva upang higit na maging malikhain ang mga display na inilagay nila sa silid-aralan kaya naman lalo pang nagmukhang aesthetic ang kanilang klasrum.