IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Makalipas ang 2 taon
INHS, muling nagbukas para sa 11,600 na mag-aaral
Agosto 22, 2022
​
Julie Ann S. Ricafor
Makalipas ang dalawang taon, muling napuno ng mga mag-aaral ang covered court, pathways, at hallways ng Imus National High school para sa pagbubukas ng taong Panuruang 2022-2023.
Dumagsa ang halos 3,000 mag-aaral sa Baitang 7 at Baitang 9 para sa unang araw ng pasukan.
Sa kabuuan, nasa 11, 606 na ang nakatalang mag-aaral ng INHS. Sa planong ipatutupad pamunuan ng paaralan, AM shift ang mga mag-aaral sa Baitang 7 at Baitang 9 habang PM shift naman ang mga mag-aaral sa Baitang 8 at Baitang 10.
Dahil nakaamba pa rin ang panganib na dulot ng COVID-19, blended learning modality ang magiging set-up ng paaralan kung saan may Set A at Set B ang pagpasok ng mga mag-aaral.
Bago ang pagbubukas ng klase ngayong araw, tiniyak ni Gng. Lerma V. Peña na handa ang buong paaralan sa pagdagsa ng mga mag-aaral at magiging maaayos ang unang araw ng klase.
“Tiniyak natin na handa ang ating paaralan sa unang araw ng pagbubukas ng klase, katuwang ang mga guro at iba pang stakeholders ay naihanda na ang ating mga klasrum na gagamitin gayundin ang iba pang pasilidad dahil alam naman natin gaano kahalaga ang araw na ito sa ating mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang.” pahayag ni Gng. Peña.