top of page

Brigada Pagbasa, isinagawa sa Adopt-A-School Program ng INHS
Pasong Buaya I ES, benepisyaryo ng programa

October 13, 2021

Jonard S. Saria

      Matagumpay na naidaos ang Brigadahan sa Pasong Buaya 1 Elementary School noong ika-9 ng Oktubre 2021 sa pagtutulungan ng Imus National High School, Rotary Club of Imus at Inner Wheel Club Mutya ng Imus.

      Pinangunahan ang nasabing programa nina Arturo P. Rosaroso Jr. punungguro ng INHS at kasalakuyang pangulo ng RC Imus katuwang si Jelyn Maliksi Pangulo ng Inner Wheel Club Mutya ng Imus.

      Bahagi ng nasabing programa ang pagsasagawa ng pagbasa sa piling mag-aaral ng nasabing paaralan bilang bahagi ng Brigada Pagbasa ng Brigada Eskwela 2021.

      Nagkaroon ng oras upang pabasahin ang mga piling mag-aaral sa pangunguna ng OIC-Department Head ng English na si Gina D. Belarma katuwang ang ulong guro ng Filipino na si Cynthia T. Abeledo at ulong guro ng Math na si Marilou M. Martin. Nakibahagi rin sa brigada pagbasa sina Ma. Lita Kaiklian ng English Department at Jonard Saria ng Filipino Department.

      Lumahok sa nasabing programa ang piling mga mag-aaral mula Baitang 2 hanggang Baitang 6.

      Nakatanggap ang mga batang lumahok sa pagbasa ng mga babasahing naglalaman ng kwentong pambata na nasusulat sa wikang Filipino na may salin sa wikang English na magagamit nila upang higit pang sanayin ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pang-unawa sa kwento.

      Pinagkalooban din sila ng mga window card na makatutulong upang hasain ang kanilang kakayahan sa asignaturang Mathematics.

      Malaking tulong ang mga nasabing kagamitan upang malibang at matuto sila habang sila ay nasa loob ng kani- kanilang tahanan ngayong panahon ng pandemya.

      Sa kanilang pag-uwi ay bitbit nila ang school bag na naglalaman ng school kit at COVID-19 protection kit na magagamit nila sa kanilang tahanan habang wala pa ang Face to Face class.

bottom of page