top of page

              GARANG SOLUSYON! Ito ang sanib-pwersang pag-aksyon ng lokal na                     pamahalaan, Meralco at pamunuan ng Imus National High School sa

              insidenteng naganap noong Mayo 27, 2019 sa ganap na 1:30 n.h.

Kasagsagan ng ulan nang tamaan ng kidlat ang linya ng  kuryente at transformer na nagbunga nang biglaang pagkawala ng kuryente sa buong paaralan.
Tumugon agad ang Meralco sa panawagan ng INHS-Main sa pamamagitan ni G. Arturo P. Rosaroso Jr, punongguro na makumpuni sa lalong madaling panahon ang nasabing suliranin sa kuryente sa gayon manumbalik ang normal na operasyon at pagbibigay serbisyo ng mga kawani ng nasabing paaralan.
“Patuloy pa rin tayong maglilingkod sa mga darating sa ating paaralan kahit na wala tayong kuryente, dahil tayo ay kinatawan ng paglilingkod sa bayan. Huwag tayong mabahala, kasi nangako ang local government na tutugon sila sa ating panawagan,” pahayag ni G. Rosaroso Jr.
Bagaman dumanas ng kawalan ng supply ng kuryente ang paaralan patuloy pa ring nagbigay ng serbisyo ang mga kawani ng INHS-Main sapagkat naniniwala sila na hindi mahahadlangan ng anumang sirkumstansya ang pagganap sa kanilang tungkulin.

dahil sa aberya sa kuryente

Meralco, LGU, INHS: nagsanib pwersa sa agarang pag-aksyon

Mayo 27, 2019

​

Julie Ann S. Ricafor / Jennifer V. Baltazar

meralco.jpg

Larawan: Jeany L. Herrera

A

heads1.jpg
sir art.JPG
heads.jpg
bottom of page