top of page

          Pinaigting ng pamunuuan ng Imus National High School ang kalinisan sa buong paaralan at ang prebensyon nito sa banta ng COVID-19.

          Inanunsyo sa Official FB Page ng paaralan ang panawagan na makilahok ang internal at external stakeholder nito sa Wall to Wall na paglilinis sa paaralan.

          Nakilahok ang GPTA, SGC, mga guro at mga volunteers sa pamunuuan ng paaralan sa Wall to Wall na paglilinis ng paaralan.

          Nagbigay rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Mayor ng Imus, Hon. Emmanuel L. Maliksi at Vice Mayor, Hon. Ony Cantimbuhan, at Brgy. Captain Amado Sarreal ng Bukandala III,  sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan na magdidisinfect sa loob ng buong paaralan bukod dito pinagkalooban din ng LGU ng dagdag na alcohol at disinfectants ang INHS.

          Sinunod ng paaralan ang  1:100 Formulation ng Department of Health at  binigyan ang bawat volunteers ng isang gallon na tubig na may ¼ cup ng Bleach (Sodium Hypochlorite) at basahan.

          Una rito, bumili na ng mga Thermal Scanner at naglagay ng mga alcohol sa bawat tanggapan ng paaralan, kinukuha ang temperature at pinag-aalkohol ang bawat pumapasok sa paaralan bilang paniniguro na walang lagnat ang sinumang papasok dito.

          Sa kasalukuyan, nakasara ang paaralan alisunod sa Enhanced Community Quarantine sa buong bansa at mga awtorisadong mga  tauhan lamang ang nakakapasok na kung saan ay kailangan may suot na face mask at sumailalim muna sa pagdisinfect ang papasok.

COVID-19 Prevention, mas lalong pinaigting ng INHS!

Marso 29, 2020

Dennis Jay G. Gumboc

Julie Ann S. Ricafor

bottom of page