top of page

         Hirap sa buhay at walang kakayahan sa pagkakaroon ng electronic gadgets ang mga piniling mag-aaral na magiging benepisaryo  ng educational gadget set na mula sa pamahalaang panlunsod ng Imus dahil naniniwala ang pamunuan ng Imus National High School na sila ang higit na nangangailangan nito.

Itinaon sa ika-50 anibersaryo ng INHS at sa pangunguna ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ipinamahagi sa 60 struggling learners  ng INHS ang tablet, keyboard, mouse, headset, SD card, sim card at otg  na mula sa pamahalaang panglunsod ng Imus.

         Mahigit sampung libong mag-aral ng INHS  subalit napagkasunduan ng pamunuan ng paarlan na struggling learners ang maging benepisaryo ng educational gadget set na magmumula sa Imus LGU nang sa gayon makatulong ito sa kanila upang maibsan ang hirap na kanilang nararanasan sa pag-aaral.

         Bahagi ng programa ng pamahalaang panlunsod ang pamamahagi ng gadget sa mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemya.

         Ikinagalak ni Arturo P. Rosaroso Jr, punongguro ang pagsuporta ng pamahalaang panlunsod sa paaralan lalo na sa mga mag-aaral nito dahil hindi  nalilimutan ni Mayor Maliksi na maging bahagi ng bawat pan-edukasyon programa nito ang INHS.

      “Masaya ako na laging bahagi ng plano at programa ng Imus LGU ang aming paaralan, dahil patunay ito na pinahahalagahan kami ng lokal na pamahalaan kaya naman hindi namin sasayangin ang suportang ito at ibabalik namin ito sa pamamagitan ng higit pang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa ating paaralan,” pahayag ni Rosaroso.

     Ikinagalak naman ng mga magulang ang ginawang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng educational gadget set sa kanilang mga anak sapagkat malaking tulong ito sa kanila lalo na ngayong may pandemaya at gipit sila sa pinansyal na pangangailangan.

       “Nagpapasalamat po kami at natutuwa na isa po ang aking anak sa napiling makatanggap ng package na ito, malaki po ang tulong nito sa amin lalo na at wala po kaming pambili ng mga ganitong bagay,” pasasalamat ni Gng. Jennifer Ramos magulang ni Prince Roljen at King Jerome Piramo ng 8-Charity at 7-Zenia.

       Nangako ang mga magulang na pag-iingatan nila ang handog ng lokal na pamahalaan at gagamitin sa pagpapabuti ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa ika-50 anibersaryo ng INHS
Electronic gadgets ipinamahagi sa struggling learners

Hunyo 7, 2021

​

Jonard S. Saria

bottom of page