top of page

BAYANING IMUSEÑO
Bantayog ni Erineo ‘Ayong’ Maliksi pinasinayaan

Hunyo 7, 2021

Dennis M. Vidar

        Bilang pagkilala sa naging ambag sa larang ng edukasyon at sa pag-unlad ng syudad ng Imus, pinasinayaan ang Bantayog ni Kgg. Erineo ‘Ayong’ S. Maliksi na pinangunahan ni Imus City Mayor Emmanuel L. Maliksi at kanyang pamilya.
Katuwang ang mga halal na opisyal ng syudad ng Imus, nanguna si Mayor Maliksi sa pagpapasinaya sa 10 talampakang  monumento  na nakalagak sa loob ng Imus National High School.
        “Ang pagkakaroon ng isang bantayog ay mag-i-mortalize sa mga nagawa, kontribusyon at paghihirap ng isang tao, kayat nawa’y magsilbing inspirasyon ang bantayog di lang ngayon at sa susunod na herenasyon at lalo nating maipakita ang kahalagan ng edukasyon,” madamdaming pahayag ni Mayor Maliksi.
Matatandaang nagsilbing Vice Mayor ng Imus si Ayong Maliksi noong 1980 at matapos ang anim na taon ay naluklok bilang Mayor kung saan siya nanungkulan sa loob ng 10 taon. Matapos ito, naupo siya bilang Representante ng Ikalawang Distrito ng Cavite sa loob ng isang termino bago sya nahalal na Governador ng Cavite  noong 2001.
        Samantala, hinikayat naman ni G. Arturo P. Rosaroso Jr ang mga Imuseño na kilalanin ang kabayanihan at mga kontribusyon ni Kgg. Erineo ‘Ayong’ Maliksi at ipakilala sa mga anak at sa susunod pang henerasyon. 
        “Wag na nating ilayo pa ang mga pinuno at ninuno na dapat nating tularan, dito sa lungsod ng Imus, meron tayong Tatay Ayong, na huwarang Imuseño. na dapat nating tularan,” diin ni punong-guro ng INHS.
        Aprubado ng Imus  Historical Society ang pagpapatayo ng bantayog at suportado ng Resolution ng Konseho ng Imus City, at ng INHS School Governing Council.
        Ang pagpapasinaya sa Bantayog ni Kgg Erineo ‘Ayong’ S. Maliksi ay kaugnay sa ika-50 taong pagdiriwang ng pagkakatatag ng Imus National High School. 

bottom of page