top of page

        Kamakailan lamang, 2 araw bago dumating ang kapaskuhan, Disyembre 23, 2020  ay naghandog ng isang programa ang SDO Imus City na pinamagatang 2020 Biyaya at Damayan (BIDA) Pasasalamat. Ang programang ito’y naglalayon ng pagtanaw ng pasasalamat sa nakaraang taon sa mga biyayang natanggap ng Division sa kabilang ng Pandemya na kinakaharap ng ating bansa.

        Aniya ni Mr. Ivan Brian L. Inductivo, OIC- ASDS, “Maraming nagsasabi na ang taon na ito ay napakalungkot at tragic pero sa kabilang banda, ating tignan na marami ding naidulot na maganda ang taong ito. Maraming bagay ang kinasiya para sa atin at maraming bagay na inadya ang Maykapal na iadya sa atin. Marami tayong natutunan sa pagbabago ng instruksyon at modalidad sa pagbibigay natin sa pagtuturo…. Huwag nating kalimutang magpasalamat sa lahat ng bagay maliit man o malaki.”

        Pagbabago, Pagpapahalaga, Pagpapasalamat at Padayon.

        Dagdag pa rito, nagbigay rin ng mensahe si Dr. Rosemarie D. Torres, SDS bilang upang ipaalala ang tunay na dahilan ng selebrasyong ito, aniya niya “Hindi hadlang ang Pandemya upang ipagdiwang ang kapanganakan ng ating Messiah, si Lord Jesus Christ. Ito ang panahon na tayo ay magbago, magpatawad at magmahalan. Magturo ng may kasamang puso dahil ang mga batang ating tinuturuan ay binigyan ng ating Poong Maykapal upang mahalin at pagyabungin.”

        Liban dito, nagbigay supresa din sa lahat ang Paggawad ng Pagkilala sa mga natatanging mga Guro at Kawani sa iba’t-ibang larangan sa nasabing programa. Sa pangunguna ni SDS Rose ay isa-isang pinarangalan ang mga bawat indibidwal mula sa elementarya hanggang sa sekondarya.

        Nagkamit ng parangal si G. Arturo P. Rosaroso Jr, Principal IV ng INHS ng “Best Principal in School Governance”; sinundan ni G. Dennis Jay G. Gumboc na nagkamit ng “Best ICT Coordinator” at “Best Teacher in EPP/TLE/TVL in Secondary Level”; G. Ryanlee V. Gonzalvo bilang “Best Teacher in Edukasyon sa Pagpapakatao” at ni Gng. Precylyn C. Arguelles bilang “Best Online Demonstration Teacher in Mathematics”. Sa kabilang banda, nakuha din ng Imus National High School ang Best School Website in Secondary Level na kung saan matatandaang nasungkit din noong nakaraang taon sa 2019 Division Cyber Expo ang nasabing karangalan.

Rosaroso at iba pang guro pinarangalan; INHS Website, muling itinanghal na Best Website in Secondary Level sa Division ng Imus City

Disyembre 23, 2020

Raffy L. Suarez

bottom of page