top of page

#HIGHLY RECOMMENDED

Sa pagpapatupad ng limited face-to-face classes

Regional validation team, siniguro ang kahandaan ng INHS

Pebrero 9, 2022

Dennis M. Vidar

      Masusing siniguro ng Region IV-A validation team ang kahandaan ng Imus NHS sa muling pagbubukas ng klase para sa pilot implementation ng limited face-to-face. 
       Pinanguhan nina Mr. Michael Girard R. Alba, Regional FTAD chief, Neil Evangelista at Mr. Jumar M. Sadsad ang pagsusuri sa isinagawang paghahanda ng INHS katuwang ang SDO ng Imus City.
       Kabilang sa mga binisita ng validation team ang gagamiting classrooms, school clinic, maging ang dalawang gate na pasukan at labasan, at mga pathways na daraan. 
       Kasama ring nagsiyasat mula sa SDO Imus City, sina Dr Rosemarie D. Torres, CESO V, Dr Glenda Catadman, Mr. Ivan Mijares, at iba pang miyembro ng division validating team.
       Matatandaang nagbigay ng technical assistance sa INHS ang SDO-Imus City noong February 7 at 8. sa pangunguna ni ASDS Ivan Inductivo.
Ang Imus City ay bahagi ng Cavite na kasalukuyang nasa Alert Level 2 kung saan pinapayagan ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes. 

bottom of page