IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Isang Mega School ang INHS dahil sa dami ng bilang nag mag-aaral na nakatala rito. Sa pagtataya mahigit 11,000 mag-aaral mula Grade 7-10 o mahigit kumulang 125% ang kasalukuyang nakaenrol na kung ikukumpara sa nakaraang panuruan 2019-2020. At mahigit kumulang na apat na raang (400) ang mga guro at iba pang kawani nito.
Naging suliranin ng paaralan kung paano maipaabot sa mga mag-aaral at mga kawani nito ang anunsyo o mga pabatid na dapat malaman ng mga ito. Dahil dito, inilunsad ang “Ony sa SMART (System Monitoring, Announcements and Response Tracking) for Bidang Imuseño” na proyekto ni Hon. Ony Cantimbuhan, Vice Mayor ng Imus City kasabay ang pamimigay ng 10,000 libong Sim Cards, Pocket WiFi, Desktops, Laptops at iba pa. Layunin nito na mas lalong paigitingin ang komunikasyon sa mga mag-aaral at iba pang stakeholders.
Sa kabilang banda, isinagawa rin ang Online Raffle ng mga pinamahagi ng Smart Communications, Inc. sa pangunguna ni G. Richard M. Goce, Manager, Community Solutions and Business Development kasabay ang Virtual Flag Ceremony ng INHS noong Disyempre 7, 2020 na kung kung saan may dalawampung (20) nanalo ng Php 100 pesos worth of Load, Pocket WiFi, Huawei Y6P at Samsung Tab A.
Sa kasalukuyan, pinapamahagi ng INHS ang nasabing Sim Cards sa mga mag-aaral at magulang / guardian upang makatanggap ng anunsyo kahit wala silang data o internet connection. Gamit ang kanilang mga natanggap na Sim Card ay irerehistro ang mga numero nito sa tinatawag na Infocast System ng Smart na pinapangasiwaan ng Information and Educational Technology Services. Isang programa ng Smart Communications upang bigyang tulong ang mga pampublikong paaralan na sila ay makapag-anunsyo ng libre.
Sa ngayon ang paaralan ay maaring gamitin ang 10,000 Free Text Messages na buwanang nilalaan gamit ang Infocast. Sa kabilang banda, malugod din inaanyayahan ang mga mag-aaral, magulang at ibang stakeholders na may Smart, TNT o SUN number na nais rin makatanggap ng anunsyo na maari sila magrehistro sa link na ito, https://tinyurl.com/INHSOnySaSMARTContactNumber.
Malawakang komunikasyon sa mga stakeholders, pinaigting ng Imus National High School sa kabila ng Pandemya
January 24, 2021
Dennis Jay G. Gumboc
Julie Ann S. Ricafor