top of page

       Kamakailan lamang ay idineklara ng World Health Organization na ang COVID-19 na mula Wuhan, China ay Pandemic na. Apektado ng naturang sakit ang buong mundo sa katunayan higit sa 600,000 katao na ang may kaso ng sakit. 
        Sa Pilipinas, mayroon ng naitalang mahigit isang libong kaso ng COVID-19 at mahigit na 60 na namatay at 35 na ang gumaling. Bago pa ito, nagkaroon na ng  Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon na naging dahilan upang mahinto ang mga trabaho at ang tanging magpapatuloy lamang sa paghahanapbuhay ay ang itunuturing na frontliners. 
         Huminto sa pagpasok sa paaralan ang mga mag-aaral, hindi na nagtuturo sa mga silid-aralan ang mga guro, at isinara ang mga paaralan upang maproteksyunan ang mga mag-aaral, mga guro, at mga kawani na naglilingkod sa paaralan. Hindi ito naging hadlang upang paglilingkod ng paaralan sa kaniyang mag-aaral at mga guro dahil patuloy pa rin humahanap ng paraan upang makamusta ang kanilang mga guro at kawani nito sa pamamagitan ng teleconference.
         Ang Teleconference ay isang alternatibong paraan ng Kagawaran ng Edukasyon upang makapag-usap usap ang mga bawat kawani nito. Sa kasalukuyan ang Dibisyon ng Imus at mga paaralan nito tulad ng Imus National High School ay nagsasagawa ng mga pagpupulong sa kanilang mga kaguruuan upang kamustahin at bigyang paalala hinggil sa mga dapat iayos na mga dokumento ng mga mag-aaral tulad ng mga Reports, Grades, SFs at iba pang dokumento. 
         Ginagamit sa Teleconference ang applications na Zoom, FB Workplace, Microsoft Teams at iba pa na sa pamamagitan nito natitiyak at nalalaman ng pamunuan ng INHS na ang bawat guro at kawani ay nasa maayos at mabuting kalagayan ngayong humaharap ang buong mundo sa krisis.

TELECONFERENCE: Alternabitong paraan para sa Komunikasyon

Marso 29, 2020

Dennis Jay G. Gumboc

Julie Ann S. Ricafor

bottom of page