top of page

        TUMUGON ang Imus National High School (INHS) sa mandato ng lokal na pamahalaan ukol sa Republic Act No. 10121 o kinikilala bilang “An Act Strengthening the Philippine Disaster Risk Reduction and Management System, providing for the National Disaster Risk Reduction and Management framework and institutionalizing the National Disaster Risk Reduction and Management Plan…”  sa pamamgitan ng pakikiisa sa MOA signing, Hulyo 30.

        Sa MOA Signing, nakiisa ang INHSsa pangunguna ni G. Arturo P. Rosaroso Jr., punongguro,  kasama ang City Government Officials na kinatawan ni Vice Mayor Ony Cantimbuhan, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Philippine Red Cross, siyam (9) na klaster ng barangay na pinangunahan ng kani-kanilang pangulo, tatlumpu’t limang (35) kalahok mula sa pampublikong paaralan, Federations of Imus Homeowner’s Association Inc. (FIHAI) at pribadong ospital na kinawatan ng Our Lady of the Pillar Medical Center (OLPMC).

        Malugod na tinanggap ni G. Rosaroso ang mga kinatawan at kabahagi ng MOA signing na ginanap sa INHS covered court.

        “Karangalan ang mag-host ng ganitong uri ng gawain na makatutulong at makasisiguro sa kaligtasan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad,” tugon ni G. Rosaroso.

        Bilang isang institusyon, sumangsang-ayon ang paaralan sa mandato na magpaabot ng tulong pinansiyal, pagpapahiram ng pasilidad at mabilis na pagresponde sa panahon ng sakuna na magsisilbing pansamantalang evacuation area at lugar sanayan.

        Ibinihagi rin ni G. Rosaroso ang pagnanasa nitong makamit ang pambansang karangalan ng Gawad Kalasag bilang pinakahandang paaralan sa Pilipinas.

       “Pangarap ng Imus na maging kampeon sa Gawad Kalasag dahil karangalan ito hindi lamang ng paaralan ngunit ng buong lungsod ng Imus,” pagtatapos ni G. Rosaroso.

Mandato ng RA 10121 tinugon ng INHS sa MOA Signing

July 30, 2019

​

Jennifer V. Baltazar and Julie Ann Ricafor

bottom of page