top of page

       Inilunsad ng Imus National High School (INHS) ang Oplan Damayan sa Kawani bilang pagtugon ng paaralan sa pangangailangan ng mga guro at kawani sa panahon ng Enhanced Community Quarantine. Sa pamumuno ni G. Arturo P. Rosaroso Jr. at sa tulong ng mga Ulo ng mga Departmento at School Canteen Manager, Gng. Jocelyn T. Torcuator at ni Gng. Marinel Dela Cruz, nakabili ang INHS ng sako-sakong bigas at mga delata noong ika-29 ng Marso, 2020.
      Makakakuha ng limang (5) kilong bigas at pitong (7) pirasong canned goods  ang bawat empleyado ng paaralan at ang pamunuan ay naglabas ng anunsyo ng mga schedule sa bawat department alinsunod sa pinapataupad na Social Distancing.
              March 31, 2020        AM                Canteen Staff & Maintenance
              March 31, 2020        PM                Non-Teaching & Security
              April 1, 2020             AM                Mathematics & Science
              April 1, 2020             PM                English & Filipino
              April 2, 2020             AM                AP & TLE
              April 2, 2020             PM                EsP & MAPEH
              April 3, 2020             AM to PM    Mga Hindi nakakuha

      Sa kabilang banda, mula sa pamumuno ni G. Dindo A. Cubillar at G. Mario P. Herrera, ang Imus City Campus Multipurpose Cooperative ay mamahagi din ng karagdagang limang (5) kilong bigas bilang tulong sa pamilya ng bawat miyembro nito.
      Nagpahayag naman ang ilang mga guro na ipagkakaloob na nila ang mga matatanggap na bigas at mga delata sa iba pang kawani ng paaralan na higit na nangangailangan nito sa gayon ay makatulong sila sa mga ito. Karagdagan pa nito, marami ang nagpahayag ng pasasalamat sa mga empleyado at pamilya dahil ito ay pandagdag na rin sa kanilang pang-araw araw lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19.

Oplan Damayan sa Kawani ng Paaralan, inilunsad!

Marso 29, 2020

Dennis Jay G. Gumboc

 Julie Ann S. Ricafor

bottom of page