IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Sa layuning maihatid ang de-kalidad na edukasyon sa bawat Batang Bidang Imuseño, inilunsad ng Imus National High School (INHS) ang Oplan Flashdrive : A Self-Learning Module Storage Project kung saan maaaring magkaroon ng kopya ng module ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng magkopya sa flashdrive.
Pinangunahan ni G. Arturo P. Rosaroso Jr. ang kampanya sa ‘Oplan Flashdrive‘ na may dalawang paraan kung paano magkakaroon ng sariling kopya ng module: sa pagpapadala ng sariling flashdrive o kaya naman ay pagdodonate ng flashdrive para sa nangangailangang mag-aaral.
“Hangad ng paaralan na mapabilis, mahikayat at maging madali para sa mga mag-aaral ang pag-aaral ngayon sa new normal na sistema ng edukasyon. Naniniwala ako na marami ang susuporata sa kampanyang ito, lalo na’t ang makikinabang ay ang mga mag-aaral,” pahayag ni G. Rosaroso.
Suportado naman ng Deped Imus City ang Oplan Flashdrive : A Self-Learning Module Storage Project ng INHS sa paniniwalang mahihikayat pang lalo na magpatuloy sa pag-aaral ang mga batang Imuseño.
“Nananawagan tayo sa lahat na makiisa sa proyekto at magdonate ng flashdrive. Mas malaki ang storage capacity mas maraming mailalagay na files. Maaaring dalhin ang donasyon sa paaralan. Maaari ring magdala ng sariling flashdrive lagyan lamang ito ng pangalan at address upang maihatid ang file ng self-learning module sa kanila,” panghihikayat ni G. Rosaroso.
Kamakailan nagkipagsanib pwersa na ang bagong tatag na DepEd Imus City Egle Riders (DICER) kasama ang Lancaster Riders, WATUGS, at JADE Riders sa Deped Imus City sa paghahatid ng mga module sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Imus.
Oplan Flashdrive : A Self-Learning Module Storage Project
Tugon at daan sa pagpapatuloy ng karunungan
Hulyo 21, 2020
​
Raffy L. Suarez