Written by: Raizen Jhamil S. Paulo
Bilang mamamayan ng bayan, lahat tayo ay may mga sariling gawain sa pang araw-araw. Sa pagkain ng wasto ay aktibo ba tayo? Sa mga gawaing pang pisikal tulad ng sports at pag eehersisyo ay aktibo rin ba tayo? Lahat ng ito ay talagang makatutulong sa ating katawan at kalusugan upang magawa ng may sapat na lakas at may gana ang lahat ng gawain natin sa araw-araw.
Sa aking pagkakaalam may mahigit 10-20 porsiyento na lang ng kabataan o mga tao ang mas nagiging aktibo sa mga gawaing pisikal tulad ng sports at pag eehersisyo (exercise), dahil karamihan ay mas pinagtutuunan ng pansin ang paglalaro sa mga gadgets (tulad ng cellphone tablets at iba). At mahigit 30-40 porsiyento ng mamamayan ngayon ang di na kumakain ng wastong pagkain tulad ng gulay, prutas at iba pang pagkain na nagbibigay ng sustansya sa ating katawan. Mahalaga ngayon na maging aktibo tayo sa lahat ng outdoor activities (physical activities) na higit na mas makatutulong sa paglakas ng ating cardio vascular system. Ang pag eehersisyo ay makatutulong lalo na sa mga taong mahihina at malaki ang timbang ng katawan ang pag eehersisyo ay kayang makatunaw o makabawas ng calories (fats) sa ating katawan.
Sa pagkain ng wasto higit na mas makabubuti na umiwas tayo sa mga pagkain na nagdudulot ng sakit o cancer. Mas bigyan natin ng pansin ang mga pagkaing nagbibigay ng bitamina sapat na sustansya at nutrisyon na magpapaunlad sa ating kalusugan. Sa usaping pagiging aktibo dapat na naglalaan tayo ng oras sa pag eehersiyo at makilahok sa lahat ng outdoor activities tulad ng sports (volleyball, basketball at iba pa). Makatutulong ang mga ito na makaiwas sa anumang stress o pagod.
Isipin nating mabuti ang bawat galaw o pagdedesisyon para sa kapakanan ng ating kalusugan ay may positibo o negatibong epekto. Kaya PUSH NATIN TO! Long life pa more.
Comments