top of page

Kalusugan ang ating Kayamanan

Writer's picture: Dennis Jay GumbocDennis Jay Gumboc

Updated: Aug 3, 2019

Written by: Mark Renzo Salazar


Sa wastong pagkain ng Gulay, Prutas at Karne tayo nagpapalakas ng katawan at nag papatibay ng ating resistensya. Ngunit sapat na ba ang pag-kain lang ng mga siksik sa bitaminang putahe tayo titibay? Ano sa tingin mo?


Dapat lagi nating kaakibat ang pag-kain ng Sakto sa Oras. Mula umaga hanggang hapon, lalong lalo na ang ALMUSAL. At para sa mga estudyante diyan, Ito ang pinaka importanteng parte at gawi na dapat nating sinusunod upang simulan ang panibagong araw sa umaga. Plus hinahasa nito ang ating utak kaya naman tumatalas ang ating memorya at critical thinking sa klase.


Wastong Pag-eehersisyo. Pansin mo ba na minsan walang gana at inaantok pa ang mga estudyante sa pagsisimula ng klase? Dahil ito sa malimit nating pag eehersisyo. Kaya galaw- galaw rin kahit paminsan-minsan bago ka pumasok sa eskuwelahan. Sa simpleng Squats, Stretchings at Push-ups, malaki na ang maidudulot nito upang maging active ang ating mga kalamnan at buto-buto.


Pag-kain ng may tamang diet. Merong mga pagkakataong Go lang tayo ng Go sa mga pagkain na ating nakikita. Hindi natin inaalala ang Tamang Diet na dapat nating sinusunod. Ito ang Go, Grow at Glow foods. Isang quick reminder, Kumain ng Go para magkaroon ng energy, Grow naman kapag gusto mo pang lumaki at Glow para sa pagpapalakas ng resistensiya.


At higit sa lahat, matutunan mong mahalin ang iyong sarili, kumbaga “Love Yourself”, Start to accept your flaws and imperfections. Ano ang pagkakaroon ng malusog at matibay na kalusugan kung mentally unhealthy ka naman sa kaloob-looban, ‘diba?


Hindi naman makasasama ang sobrang pag-kain paminsan-minsan, alamin mo lang ang iyong limitasyon at wag natin isasakripisyo ang ating kalusugan sa mga masasarap na pagkain. Lagi sana nating isapuso na ang ating kalusugan ay atin ring kayamanan, bitbitin ang kaalaman lalo na kapag kalusugan ang pinag-uusapan.


781 views0 comments

Recent Posts

See All

Kalusugan Para sa Kinabukasan

Written by: Czarina Paula R. Real Palagi mo bang naririnig ang kasabihang “Health is Wealth”? Simpleng kasabihan ngunit may malalim na...

Comments


bottom of page