top of page
Writer's pictureDennis Jay Gumboc

Sa Healthy Eating, Active living plus Discipline, makakamit ang malusog at masayang buhay,panigurado

Updated: Aug 3, 2019

Written by: Leann Charity A. Cruz


Taun-taon ay idinaraos ng bawat paaralan at organisasyon sa bansa ang kampanya para sa malusog na pamumuhay. Gamit ang iba’t-ibang midyum sa pagpapahayag, aktibo ang lahat sa selebrasyong ito. Ngunit, tuwing buwan ng Hulyo lamang ba nararapat paigtingin ang malusog na pamumuhay? Ano ang kasagutan sa lumolobong bilang ng mga namamatay dahil sa sakit tulad ng type 2 diabetes at cardiovascular diseases?


Noong taong 2010, mayroong 186 na bansa ang pinagmumulan ng mga namamatay, ang dahilan: sakit sa puso. Umabot ang bilang ng nasasawi sa 711, 800 katao o 10.3% sa buong mundo, base sa datos ng Tufts University sa Boston.


Sinasaad sa working paper mula sa kilalang unibersidad sa London, tinataya na hangganan lamang ng kabataan ngayon ay 50 taong gulang. Masuwerte na kapag umabot sa 60. Nakababahala, sapagkat ang kasalukuyan at susunod na henerasyon ay apektado.


Nakasentro ang tema sa Healthy Eating at Active Living, paano ba ito? Halimbawa, ang milkshake ay may 780 calories, upang hindi ito maging ‘stored fat’ kinakailangang mag crunches ng 72 na beses. Maraming Pilipino ang kumokonsumo ng mga mataas ang saturated fats. Dapat healthy fats, mga mataas sa omega-6 tulad ng isda at mani. Umiwas sa mamantika, masyadong matatamis at maalat. Ipalit ang herbs at spices para sa pagpapaalat. Kumain ng mga pagkain mula sa food pyramid, at siguruhing ligtas itong kainin.


Ang mga may trabaho, madalas ay dumadaing sapagkat wala silang oras mag ehersisyo. Subukang dalasan ang pagtayo at pagunat-unat. Maglaan ng 2 ½ oras sa pageehersisyo araw-araw. Iwaksi ang Sedentary lifestyle.


Yaman natin ang ating kalusugan, kaya naman, nararapat na pagkaingatan ito. Sa Healthy Eating, Active living plus Discipline, makakamit ang malusog at masayang buhay, panigurado!

37 views0 comments

Recent Posts

See All

Kalusugan ang ating Kayamanan

Written by: Mark Renzo Salazar Sa wastong pagkain ng Gulay, Prutas at Karne tayo nagpapalakas ng katawan at nag papatibay ng ating...

Kalusugan Para sa Kinabukasan

Written by: Czarina Paula R. Real Palagi mo bang naririnig ang kasabihang “Health is Wealth”? Simpleng kasabihan ngunit may malalim na...

Comments


bottom of page