IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL
A Culture of Academic Excellence and Discipline
Opisyal ng inanunsyo sa Official FB Page ng Office of the Civil Defense ang mga nagsipagwagi sa katatapos palang na Regional Search for Gawad Kalasag 2019 noong nakaraang Mayo 31, 2019. Sa pangunguna ni G. Arturo P. Rosaroso Jr., Principal IV sa tulong ng SDRRM Focal Person, Gng. Maria Sharon D. De Palma at ng ibang kawani ng INHS Main, nakamit ng eskwelahan ngayong taon ang Regional Winner bilang Best Secondary Public School kalaban ang ibang delegado mula sa Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang Gawad Kalasag ay isang prestihiyosong patimpalak na sinasalihan ng iba't ibang kawani ng Gobyerno bilang paghahanda sa anumang sakuna at trahedya na maaaring maranasan ng komunidad. Ito ay naglalayon na paigtingin ang Disaster Risk and Reduction Management ng bawat departamento at eskwelahan.
Ang Imus National High School ay minarkahan din ng 100 % Rating ng Cavite Provincial Office at ginawaran bilang Second Place noong nakaraang taon sa Regional Level.
Sa ngayon, ang institusyon ay naghahanda para sa gaganapin na National Search for Gawad Kalasag 2019.
INHS, waging makamit ang minimithing
Gawad Kalasag 2019 Regional Winner ng CALABARZON
June 1, 2019
​
Dennis Jay G. Gumboc
Teacher I